Wednesday, January 27, 2010

andameng nag kalat n kung ano anong statement sa facebook at twitter..

nakbasa ka n ba ng mga statements picture n nagkalat ngaun sa ibat ibang social sites?
nawiwli ka b mag basa ng mga nakikita mong statement picture sa facebook mo at sa kung ano anong social sites?
natatamaan ka ba sa mga nilalaman ng mga statement picture ?
o baka naman may pinatatamaan k sa mga pinost mong statement picture?
o di kaya ay wala ka lng magawa kaya kung ano ano ang pinopost mo kahit wala namang kaugnayan ito sa buhay mo ??

kung hindi k pa nakakabasa ng mga ganitong uri ng walang kamatayang statement eto basahin mo ang mga ibibigay ko sayong halimbawa.

Tuesday, June 23, 2009

Pangalawang Araw

Nagising ng alas kwatro at isa na ng umaga.. tumingin sa oras.. wala na huli n ang pakay na gawin tuwing ika dalawa hanggang ika apat ng umaga.. bumalik sa pag tulog.. mabilis na nabawi ang tulog.. nag hilik ng nag hilik.. nagising ng alas otso ng umaga.. bumangon sa kinahihigaan.. kagaya ng nakagawian unang nahawakan ang switch ng AVR sumunod ang sa CPU.. sa araw araw na ginawa ng Diyos ayun lagi ang una kong hinahawakan sa araw araw pag ka bangon mula sa pag kakatulog.. nag laro ng sandali.. mamaya pa ang oras ng pag lisan.. nakapag laro muna ng nilalarong laro..tinignan ang oras.. maaga pa bumalik muli sa pinag kakaabalahan..tinignan muli ang oras.. maaga parin.. kagaya ng nauna balik ulit sa dati.. tinignan ulit ang oras sa pangatlong pag kakataon.. maaga parin sa pangatlong pag kakataon ulit.. hindi na malayan mali na pala ang pag kakalkula sa oras.. tumingin sa oras.. oras n para mag handa.. kumain ng kanin almusal.. nag ligo.. nag bihis.. nag ayus.. pag tingin sa oras akoy nagulat.. nasabi ng SSSSYYYEEEETTTT... bakit ? sumobra ako ng oras ayon sa akong kalkulasyon.. nag mamadaling lumakad nag mamadali umalis.. nag hanap ng masasakyang mukang mabilis.. hanggang sa nakakita ng sasakyan.. sa una hindi mabuti naman ang takbo ng sasakyan iniisip na bumebwelo lamang ito at malapit ng ilabas ang bilis na itinatago.. mga ilang minuto at ilang metro na ang nalalakbay namin hindi parin nag babago ang bilis ng sasakayan.. maraming sumasakay at bumababa pahinto hinto.. sa aking palagay inaabot ng 10 segundo sa Premera 13 segundo sa Segunda 16 na segundo sa tersera.. at hindi na umaabot ng Kwarta.. sa normal na biyahe 45 minuto lng ang biyahe ngynit sa nasakyan ko inabo kame ng 1 oras o higit pa..ang init na ng ulo ko dahil sa panahon at sa bagal ng aking nasakyan.. dumagdag pa sa pag kabanas ko ang katabi kong babae na may dalang aparador.. oo aparador ang dala nya.. sa sobrang laki ng bag kasya ang lahat ng laman sa aparador.. sakop na sakop ang upuan.. sa sobrang KATANGAHAN ng driver humihinto kahit walang pumapara..wala nang pag asa.. siguradong huli na ako sa klase.. sa sobrang banas ko hindi ako nag bayad oo nag 1....2.....3....TAKBO ako.. effective hindi nila ako napansin.. pag tingin sa oras huli na ako ng halos tatlumpong minuto.. wala na nakakahiya na pumasok.. lumiban na ako sa araw ng PHSYCHOLOGY.. pinuntahan ko nalang ang isa ko pang pakay ang pag tubos sa sinangla kong cellphone.. pag katapos matubos tumingin ulit sa oras.. alas dose na ng tanghali oras na para bumalik nanaman sa pinangalingan dahil mahaba pa ang oras para sa susunod kong klase.. sumakay ulit ng sasakyan.. nakauwi ng walang aberya.. nag laro kaagad pag ka uwi.. kumain ng tanghalian.. nag laro.. nag laro.. at nag laro.. tumingin sa oras.. oras na para mag ayus at maghanda para sa pangalawang klase.. umalis na ako ng tahanan isang oras bago mag simula ang klase.. umaasang hindi na mangyayari ang nangyari sakin noon ding araw na iyon.. sumakay nanaman ng sasakayan..sa una kampante na hindi na mahuhuli.. biglang boom bumilis ata ang oras ng hindi ko namamalayan.. parang mahuhuli nanaman ako sa klase ko..nag tetext pa ang aking kaibigan balak daw niyang mag liwaliw sa malapit sa aking pinapasukang paaralan.. sakto.. saktong sakto ang oras pag hinto ng aking sinasakyan.. tumakbo na ako.. halos lumipad na sa pag mamadali.. nakarating sa silid aralan nahuli ng 2 minuto dahil sa pag takbo.. ngunit wala pa naman ang guro.. maraming taong gubat oo taong gubat.. ang dami nila siksikan.. halos wala ng maupuan dahil punong puno ng taong gubat ang silid aralan.. pag pasok ng guro nakisabay ako.. nag hanap ng mauupuan nakakita sa unahan.. ewan bakit walang umuupo sa unahan.. kahit ako ayaw ko pero wala akong nagawa kesa nakatayo ako.. TRIGOMETRY 1 pala ang asignatura kaya siguro maraming tao.. nag turo ang aming guro.. pag tapos niya mag turo nag bigay agad siya ng gawain.. kaagad agad naman namin itong ginawa.. ang hirap sumakit ang ulo kakaisip kung paano sasagutan ang problemang hatid nitong aming guro.. nag sulat sa papel ng hindi siguradong sagot.. nangopya sa katabi ng hindi rin siguradong sagot.. lumipas ang ilang minuto.. handa na para sagutan ang problema.. ibinigay niya ang panulat sa mga gusto niyang mag sagot.. sapilitan.. ngunit hindi alam ng mga nabigyan.. namili siya ng bago.. booom kasama ako sa napili.. ang una sinabi ko wala akong sagot.. ang sagot naman niya subukan ko daw at nakita daw niyang tama ang sagot ko.. sinagutan ko na sa harap pakapalan ng mukha tama o mali man.. nagulat ako tama pala ang ginagawa ko.. tumpak sa loob loob ko.. nag karoon kami ng madaming puntos.. hangang sa ipinasa na ang papel at nag pauwi na ang lalaking nag bibigay saamin ng problema sa PANGALAWANG ARAW KO SA KOLEHIYO..!!

Monday, June 22, 2009

Unang Araw 22/06/09

Nagising ako. ring ring ring ring nag wawala ang alarm clock ng cellphone ko. ring ring ring. pag kamulat ng aking mga mata dumating agad si kaba. kinakabahan sa unang araw ko ano ba naman ito. pakiramdam n excited ngunit ayaw.. dumating ang tamang oras kailangan na mag handa.. nasabi nalang sa isip ko handa na ako handa na ako handa na ako kahit may kaunting kaba.. naligo ng may kaba nag bihis ng may kaba at nag ayos ng may kaba..dumating nanaman ang oras.. ang oras tlga ang bilis.. kelangan n lumisan sa aming tahanan.. nag lakad.. nag lakad.. habang lumalayo sa tirahan lalong lumalakas ang pagkakaba.. ang lakas KABA KABA KABA sabi ng dibdib ko.. lumayo ng lumayo hangang sa hindi na matanaw ang pinanggalingan isang liko lang naman pala.. sumakay sa sasakyan.. ayaw ko mahanginan masisira ang pag aayos ko sa buhok ko n inabot ng 5 minuto.. pero ganun talaga wala n ako magagawa.. palapit ng palapit sa paroroonan.. hangang sa dumating na nga ang ika walo ng umaga.. simula na ng aking malupit na kalbaryo.. parang sumugod sa isang islang puro taong gubat ang kasama walang kakilala walang makausap.. mabuti nalang at naimbento n ang cellphone nag karoon ng kaunting kaligayahan sa pakikipag komunikasyon.. ito ito na.. sa ayaw at sa gusto mag sisimula na.. wala akong nagawa kung hindi ang sumunod nalang iniisip na ito ang tadahana.. pumasok sa hindi kilalang o pamilyar na lugar.. maraming mga matang nakamasid habang nag lalakad sa mahabang hallway nag hahanap ng matataguan..ayun.. nakita ko narin ang pakay kong taguan.. nag simula na ang unang kalbaryo.. pumasok ang isang dalaga.. kinausap lahat ng aking kasama pero ako nakatunganga lang wala ginagawa nakatingin sa paligid parang nag karoon ng amnesia.. nag pakilala sila.. ayaw ko man gawin sa madaming tao ngunit wala akong nagawa majority kelangan kong gawin.. nag pakilala ako may nasabi ata ako di kanaisnais nag si tawanan sila.. ok tawa na rin ako.. nag salita ng nag salita ang babae.. ako naman nakatahimik lang at walang imik.. natapos mag salita ang babae.. ngunit ang aking pananahimik ay hindi parin nag wawakas.. umalis ang babae nag sisunuran ang mga tao sa nasabing lugar.. pati tuloy ako na nag mumukmok ay napalabas na din.. tinignan ang pangalawang distenasyon akalain mong doon parin magaganap ang pangalawang kalbaryo.. nag sipasukan ang mga bagong taong gubat.. ngunit naiba ang ihip ng hangi may natangay na tao.. oo tao.. kakilala ko.. sa wakas medyo napawi ang kaba ko.. isang lalaki naman ang pumasok.. mahilig ang lalaki sa numero na ayaw ko.. nag salita ang lalaki ako nakatahimik may mga panahon na nakikipag usap sa nasabing tao oo tao upang malibang sa pangalawang kalbaryo.. natapos ang lalaki mag salita.. kagaya ng nauna ganun din ang nangyari sa pangalawa.. lumabas ang lalaki na parang pinuno sumunod ang mga taong gubat na parang mga alipin.. pati ako naki-join na sa pag labas na parang buntot ng lumabas na lalaki.. tinignan ang tinuturing mapa.. ayun nakita ang pangatlong distenasyon.. pangatlong kalbaryo.. iniisip na ito na ang huli.. pag pasok sa loob ng pangatlog pinto ng parusa.. naramdaman ko agad ang lamig na bumalot sa aking balat wooooow.. grabe.. ang akala ko nanlalamig lang ako sa kaba o nerbyos.. nanginginig ang buong katawan ko pati kalamnan tagos hanggang buto.. ang lakas ng aircon parang nasa alaska.. para akong nasa impyernong nag yeyelo.. mejo nahuli ako ng bahagya.. bahagya lang naman.. umupo sa isang upuan.. may mga bagong taong gubat nanaman.. ayun may naligaw ulit n tao.. oo tao ulit na kakilala ko.. umupo siya malapit sa kinauupuan ko.. nakilala nya agad ako nakilala ko din naman agad sya.. napawi nanaman ng bahagya ang pag kabagot ko.. maraming isinulat ang babae akalain mo ang babaeng mahilig mag sulat eh ung babae sa unang kalbaryo ang lupet.. isinulat ko lahat ng isinulat niya baka kakailanganin ko ang isinulat niya.. pinahawak kami ng tinatawag naming kumpyuter ewan ko sa mga taong gubat kung alam iyon.. nag turo ang babaeng mahilig mag sulat.. natapos nanaman ang pangatlong kalbaryo.. sa wakas panahon na upang punan ang aking kumakalam na sikmura.. nag hanap ng makakainan.. pag katapos kumain tumingin ulit ako sa aking mapa ng kasarimlan.. mayroon pang huling pag subok.. ngunit matagal ang pa ang oras upang sagupain ang huling pag subok.. makakapag isip pa ako at makakapag liwaliw ng sandali bago harapin ang huling pagsubok sa araw na ito.. nag lakad lakad nag muni muni.. ayy naiinip na ako.. gusto ko ng sagupain ang huli at maka uwi na sa aking pinang galingan.. ang tagal parang mas matinding pagsubok ang mag hintay sa susunod na pag subok.. sakto dumating na ang tamang oras na siyang kinatuwa ko.. nag antay sa labas ng pang apat na distinasyon.. pumasok ang nakararami naki-join nanaman ako.. ganun parin ang nangyari sa mga sumunod na eksena.. madami ang bagong mukha bagong taong gubat, taong kweba, at kung ano anu pa.. umupo sa sulok.. nakatahimik nanaman na parang umurong ang dila.. pumasok na ang lalaki na mahalig mag salita madaldal siya.. pero magaling siya mag salita.. nag dadaldal lang siya.. hindi pala siya talaga ang taga hukom sa pagsubok kong iyon.. subtitute lang siya.. dahil sa lumiban ang opisyal na taga hukom.. tinawag nya ang mga taong gubat, kweba at kung anu anu pa.. pinag salita nya ito.. dinadalangin na hindi ako matawag ako'y tahimik at nahihiyang mag salita kaharap ang mga taong gubata, kweba at kung anu anu pa.. whew salamat nainip ang lalaking madaldal.. wala na siguro siyang masabi nag paalam na siya.. dininig ang dasal ko habang akoy nakatahimik.. hindi nga natawag ang pangalan ko.. dumating narin ang masayang oras na aking hinihintay ang makauwi sa aking pinag mulan.. mag papahinga at mag hahanda para sa susunod na mga araw ng pag subok sa akin.. IYAN UNANG ARAW KO SA KOLEHIYO