Tuesday, June 23, 2009

Pangalawang Araw

Nagising ng alas kwatro at isa na ng umaga.. tumingin sa oras.. wala na huli n ang pakay na gawin tuwing ika dalawa hanggang ika apat ng umaga.. bumalik sa pag tulog.. mabilis na nabawi ang tulog.. nag hilik ng nag hilik.. nagising ng alas otso ng umaga.. bumangon sa kinahihigaan.. kagaya ng nakagawian unang nahawakan ang switch ng AVR sumunod ang sa CPU.. sa araw araw na ginawa ng Diyos ayun lagi ang una kong hinahawakan sa araw araw pag ka bangon mula sa pag kakatulog.. nag laro ng sandali.. mamaya pa ang oras ng pag lisan.. nakapag laro muna ng nilalarong laro..tinignan ang oras.. maaga pa bumalik muli sa pinag kakaabalahan..tinignan muli ang oras.. maaga parin.. kagaya ng nauna balik ulit sa dati.. tinignan ulit ang oras sa pangatlong pag kakataon.. maaga parin sa pangatlong pag kakataon ulit.. hindi na malayan mali na pala ang pag kakalkula sa oras.. tumingin sa oras.. oras n para mag handa.. kumain ng kanin almusal.. nag ligo.. nag bihis.. nag ayus.. pag tingin sa oras akoy nagulat.. nasabi ng SSSSYYYEEEETTTT... bakit ? sumobra ako ng oras ayon sa akong kalkulasyon.. nag mamadaling lumakad nag mamadali umalis.. nag hanap ng masasakyang mukang mabilis.. hanggang sa nakakita ng sasakyan.. sa una hindi mabuti naman ang takbo ng sasakyan iniisip na bumebwelo lamang ito at malapit ng ilabas ang bilis na itinatago.. mga ilang minuto at ilang metro na ang nalalakbay namin hindi parin nag babago ang bilis ng sasakayan.. maraming sumasakay at bumababa pahinto hinto.. sa aking palagay inaabot ng 10 segundo sa Premera 13 segundo sa Segunda 16 na segundo sa tersera.. at hindi na umaabot ng Kwarta.. sa normal na biyahe 45 minuto lng ang biyahe ngynit sa nasakyan ko inabo kame ng 1 oras o higit pa..ang init na ng ulo ko dahil sa panahon at sa bagal ng aking nasakyan.. dumagdag pa sa pag kabanas ko ang katabi kong babae na may dalang aparador.. oo aparador ang dala nya.. sa sobrang laki ng bag kasya ang lahat ng laman sa aparador.. sakop na sakop ang upuan.. sa sobrang KATANGAHAN ng driver humihinto kahit walang pumapara..wala nang pag asa.. siguradong huli na ako sa klase.. sa sobrang banas ko hindi ako nag bayad oo nag 1....2.....3....TAKBO ako.. effective hindi nila ako napansin.. pag tingin sa oras huli na ako ng halos tatlumpong minuto.. wala na nakakahiya na pumasok.. lumiban na ako sa araw ng PHSYCHOLOGY.. pinuntahan ko nalang ang isa ko pang pakay ang pag tubos sa sinangla kong cellphone.. pag katapos matubos tumingin ulit sa oras.. alas dose na ng tanghali oras na para bumalik nanaman sa pinangalingan dahil mahaba pa ang oras para sa susunod kong klase.. sumakay ulit ng sasakyan.. nakauwi ng walang aberya.. nag laro kaagad pag ka uwi.. kumain ng tanghalian.. nag laro.. nag laro.. at nag laro.. tumingin sa oras.. oras na para mag ayus at maghanda para sa pangalawang klase.. umalis na ako ng tahanan isang oras bago mag simula ang klase.. umaasang hindi na mangyayari ang nangyari sakin noon ding araw na iyon.. sumakay nanaman ng sasakayan..sa una kampante na hindi na mahuhuli.. biglang boom bumilis ata ang oras ng hindi ko namamalayan.. parang mahuhuli nanaman ako sa klase ko..nag tetext pa ang aking kaibigan balak daw niyang mag liwaliw sa malapit sa aking pinapasukang paaralan.. sakto.. saktong sakto ang oras pag hinto ng aking sinasakyan.. tumakbo na ako.. halos lumipad na sa pag mamadali.. nakarating sa silid aralan nahuli ng 2 minuto dahil sa pag takbo.. ngunit wala pa naman ang guro.. maraming taong gubat oo taong gubat.. ang dami nila siksikan.. halos wala ng maupuan dahil punong puno ng taong gubat ang silid aralan.. pag pasok ng guro nakisabay ako.. nag hanap ng mauupuan nakakita sa unahan.. ewan bakit walang umuupo sa unahan.. kahit ako ayaw ko pero wala akong nagawa kesa nakatayo ako.. TRIGOMETRY 1 pala ang asignatura kaya siguro maraming tao.. nag turo ang aming guro.. pag tapos niya mag turo nag bigay agad siya ng gawain.. kaagad agad naman namin itong ginawa.. ang hirap sumakit ang ulo kakaisip kung paano sasagutan ang problemang hatid nitong aming guro.. nag sulat sa papel ng hindi siguradong sagot.. nangopya sa katabi ng hindi rin siguradong sagot.. lumipas ang ilang minuto.. handa na para sagutan ang problema.. ibinigay niya ang panulat sa mga gusto niyang mag sagot.. sapilitan.. ngunit hindi alam ng mga nabigyan.. namili siya ng bago.. booom kasama ako sa napili.. ang una sinabi ko wala akong sagot.. ang sagot naman niya subukan ko daw at nakita daw niyang tama ang sagot ko.. sinagutan ko na sa harap pakapalan ng mukha tama o mali man.. nagulat ako tama pala ang ginagawa ko.. tumpak sa loob loob ko.. nag karoon kami ng madaming puntos.. hangang sa ipinasa na ang papel at nag pauwi na ang lalaking nag bibigay saamin ng problema sa PANGALAWANG ARAW KO SA KOLEHIYO..!!

No comments:

Post a Comment